Talgalog

RYA National Powerboat Certificate (RYA Level 1 & 2) – AED 2,700
Bawat tao Ang kursong ito ay nasa pinaka- prestihiyosong Marina sa UAE, ang Yas  Marina  sa Abu Dhabi.

Ang kwalipikasyon na ito ay kinikilala kahit sa buong mundo at makakatulong din na ipaghusay ang iyong trabaho at libangan. Itong kurso na ito ay maaring kuhanin ng dalawang araw. Matutunan mong magdala ng isang bangka ng ligtas sa loob ng marina at sa dagat. Matutunan din ang tungkol sa mga regulasyon at kung paano gumamit ng GPS – kasama nito ang pagturo sa tamang pag gamit ng mga pang kaligtasan sa loob ng isang bangka at maituro din ito sa mga pasahero at krew. Mayroong ilang mga teorya na kasama sa kurso, gayunpaman karamihan ng mga oras ng pag-aaral ay nasa tubig na may bilang ng higit na tatlong mag-aaral sa bawat bangka. Para sa mga bihasang drayber ng bangka maaari naming gawin ang isang pagtatasa sa loob ng isang araw para sa National Powerboat Certificate. Ito ay para sa mga taong may napakagandang umiiral na mga kasanayan sa pag hawak ng bangka at mayroong manilay-nilay na kaalaman. Ang umaga ay ginugugol para sa paghahanda sa isang pagtatasa sa hapon. Mayroon kaming espesyal na mga pakete na magagamit para sa mga taong nagtatrabaho sa marina at sa mga yate. Kung kayo ay makakabuo ng grupo na may tatlong katao, maari naming kayong bigyan ng mas magandang presyo para sa kursong ito. Ang aming mga instructor ay maaring magturo sa Ingles at maaaring ipaliwanag ang mga bagay sa simpleng Ingles, Hindi, Nepalese, Pranses at Arabic. Ang manwal ay nasa Ingles na may maraming mga mahusay na mga larawan at mga diagram na maipapaliwanag ang mga kasanayan.

Itong pinaka-popular na kwalipikasyon na ginagamit para makapagtrabaho sa mga bangka sa UAE at Middle East bilang ito ay hinahanap din ng mga insurance na kumpanya, mga employer at may-ari ng bangka.